IMBIS IPRITO ANG ITLOG, ISAPAW SA INIININ
imbis iprito ang itlog
isapaw sa iniinin
wala nang mantikang sahog
sasarap pa itong kain
payak na diskarte lamang
nakatipid pang totoo
sa paggamit nitong kalan
o kuryente sa luto mo
sapaw-sapaw lang sa kanin
at may uulamin ka na
walang hirap na lutuin
parang sinapaw na okra
salamat sa inyong payò
nakatipid, walang luhò
- gregoriovbituinjr.
10.03.2025
* may munting bidyo sa kawing na: https://www.facebook.com/share/r/16FsVaYcnw/