Martes, Nobyembre 12, 2019

Bakit nang-iindyan ang lider kong kinikilala

bakit nang-iindyan ang lider kong kinikilala
kanina'y ayos lang pumunta ako sa kanila
upang mapag-usapan ang mga isyu't problema
bakit ba biglang nang-indyan ang lider kong kilala

nais ko lang namang tuparin ang napag-usapan
kung di pala tuloy, bakit di ako sinabihan
kanina, sabi niya'y "sige", aking pinuntahan
at nang nasa lugar na ako, siya'y wala naman

tineks ko siya't tinawagan, sarado ang selpon
kahit sa messenger sa fb, wala siyang tugon
siya'y lider kong kinikilala, noon at ngayon
tumutupad sa usapan, tila ako'y nakahon

sayang ang pamasahe, panahon ko't ipinunta
subalit dapat tuparin ang usapan kanina
sana kung ako'y nasabihan niya ng maaga
di sana tumuloy nang panaho'y di naaksaya

magaling siyang lider, ako sa kanya'y saludo
kahit mga salita'y pinapako pala nito
mahusay siyang lider, sadyang tapat at totoo
kahit salita'y pinako tulad ng pulitiko

- gregbituinjr.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Nasawi nang masabugan ng kwitis

NASAWI NANG MASABUGAN NG KWITIS sadya bang Pinoy ay walang kadala-dala kada Bagong Taon, kaytitinding paputok nasabugan, may mga daliring na...