Sabado, Disyembre 28, 2019

Dito'y muli mo akong maaasahan, mahal ko

dito'y muli mo akong maaasahan, mahal ko
sa isang gawaing tangan ang dangal ko't prinsipyo
magpapatuloy ang pagkatha nitong tula't kwento
sa kabila ng bagyong Ursula't mga delubyo

ang aking mga pagsamo'y halina't iyong dinggin
tumatanda man akong matatag ngunit putlain
mababakas sa aking kilay at noong gatlain
na di na ako ang dating aktibistang gusgusin

ako'y aktibistang nakapolo na ng maayos
na nilalabanan pa rin yaong pambubusabos
kahit mahirapan, patuloy pa ring kumikilos
upang makiisa sa uring manggagawa't kapos

halina, aking sinta, pag-aralan ang lipunan
suriin bakit laksa'y dukha't mayama'y iilan
halina't kumilos tayo para sa sambayanan
ipanalo natin ang makauring tunggalian

- gregbituinjr.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Nasawi nang masabugan ng kwitis

NASAWI NANG MASABUGAN NG KWITIS sadya bang Pinoy ay walang kadala-dala kada Bagong Taon, kaytitinding paputok nasabugan, may mga daliring na...