sa edad kong ito'y di na nangangarap yumaman
ako rin naman ay mamamatay sa kalaunan
kaya bakit pagyaman pa'y aking pag-iisipan
ang tanong sa sarili: pagyaman ba'y para saan?
dapat ko bang pag-ipunan ang ataul ko't puntod
ngunit sa ganyan ay di ako magpapakapagod
sa ngayon, sosyalismo'y aking itinataguyod
habang buhay pa'y magwagi't dito na malulugod
maging mayaman sa prinsipyo, dangal at kasama
uring manggagawa'y gawin nating malaking pwersa
paglingkuran ang bayan, organisahin ang masa
ipaglabang mabago na ang bulok na sistema
kahit kalahating siglo pa ang aking bunuin
di sasagi sa isip na sarili'y payamanin
dapat ialay ang buhay sa dakilang layunin
at sosyalismo'y ipagwagi sa panahon natin
- gregbituinjr.
A poet's autobiography is his poetry. Anything else is just a footnote. ~Yevgeny Yentushenko * Always be a poet, even in prose. ~Charles Baudelaire * Poetry should also contain steel and poets should know how to attack. ~Ho Chi Minh
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Sa ikapitong anibersaryo ng Akamid
SA IKAPITONG ANIBERSARYO NG AKAMID Akamid - ikalawang kasal natin, mahal na seremonyas ng katutubong I-Lias una'y civil wedding natin n...

-
RESERBADONG UPUAN reserbado ang upuan pang-espesyal o mayaman marahil may katungkulan o mukhang kagalang-galang minsan, ganyan din sa buhay ...
-
bumalik ang sigla ko bilang dating manggagawa nang gadgarin itong karot na kusa kong ginawa alalayan si misis sa proyekto naming handa an...
-
SONETO SA MUSA tulad mo'y patak ng ulan sa aking munting katawan tulad mo'y init ng araw sa panahong anong ginaw tulad mo'y mga ...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento