Ang propitaryo
Propitaryo, profit o tubo'y laging isip nito
Rimarim na uri na yakap ay kapitalismo
O kaya'y pinagpala lang daw sila't may negosyo
Pulos sarili'y nasa isip, di magpakatao
Isip lagi'y paano iisahan ang obrero
Tubo lang umiikot ang puso ng propitaryo
At pag di nila kauri'y hampaslupa ang trato
Ramdam lagi'y nanakawan ang tulad nilang tuso
Yamang sa salapi't tubo ang isip nakasentro
Oo, sila'y balakid sa lipunang makatao
- gregbituinjr.
A poet's autobiography is his poetry. Anything else is just a footnote. ~Yevgeny Yentushenko * Always be a poet, even in prose. ~Charles Baudelaire * Poetry should also contain steel and poets should know how to attack. ~Ho Chi Minh
Linggo, Abril 19, 2020
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Maniwala lang ba?
MANIWALA LANG BA? nais kong ang sarili'y papaniwalain na kayang harapin bawat alalahanin na kaya ko bawat dumapong suliranin na ako'...

-
PITA dinggin mo ang tinig ng ating daigdig; kung pulos ligalig, wala bang pag-ibig? tingni ang alindog ng dagat at ilog; sa basura'y lub...
-
Ang tabletang tinawag na YBC 7289 natagpuan noon ang isang putik na tableta na likha noong unang panahon sa Babilonya pinaniniwal...
-
UMALIWALAS DIN ANG PANAHON ilang araw umulan, di na makapaglimayon nasa lungga lang at lumilikha ng mithi't layon ngunit ngayon ay umali...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento