Miyerkules, Abril 29, 2020

Bukrebyu: Ang aklat na "Lenin's Last Struggle"


BUKREBYU: 
Ang aklat na “Lenin’s Last Struggle”
ni Greg Bituin Jr.

Nang makita ko ang aklat na "Lenin's Last Struggle" sa Book Ends Book Shop sa Lungsod ng Baguio noong Hulyo 2019, agad akong nanghiram ng pera kay misis upang mabili ang aklat sa halagang P120.00. Sabi ko agad sa aking sarili, hindi maaaring mawala sa koleksyon ko ang aklat na iyon. Orihinal palang nasulat iyon ng awtor na si Moshe Lewin sa wikang Pranses, at isinalin naman iyon sa Ingles ni A. M. Sheridan-Smith.

Bilang aktibista't Leninista, nais kong mabasa agad ang 193-pahinang aklat na iyon. May sampung kabanata mula pahina 3 hanggang 141, at may sampung appendixes mula pahina 143-176. Ang biographical note ay mula pahina 177 hanggang 182, at index mula pahina 183 hanggang 193.

Inilarawan ni Lewin sa aklat ang mga pangyayaring kinaharap noon ni Lenin sa huling panahon ng kanyang buhay, at pagkakamali tungkol kay Joseph Stalin. 

Tinalakay din ni Lewin ng mahaba-haba ang pagsusuri sa tinatawag na "Testamento" ni Lenin, na isang dokumentong nagtatasa o isang pagsusuri sa mga taong maliwanag na nakikita ni Lenin na sa hinaharap ay magiging magagaling na mga pinuno ng bansa.

Tinapos ni Lewin ang aklat sa pagninilay, na may mga ilang dokumentaryong batayan, kung ano kaya ang maaaring nangyari sa Unyong Sobyet kung hindi agad namatay si Lenin.

* Unang nalathala sa Taliba ng Maralita, ang opisyal na publikasyon ng Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML), isyu ng Abril 16-30, 2020, pahina 18.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Nasawi nang masabugan ng kwitis

NASAWI NANG MASABUGAN NG KWITIS sadya bang Pinoy ay walang kadala-dala kada Bagong Taon, kaytitinding paputok nasabugan, may mga daliring na...