Sabado, Mayo 30, 2020

Maraming tanong na namumutiktik sa isipan

Maraming tanong na namumutiktik sa isipan

ako'y nagmamakata sa panahong kwarantina
nakatingalang kinakatha'y mga alaala
paano ang dalitang patuloy na nagdurusa?
hinahanap ng tulad nila'y di pa rin makita

o ayaw talagang tingnan, nais na lang hayaan
sino nga ba ang dukhang sakbibi ng kahirapan
na wala namang kwenta sa tulad nilang mayaman
tingin kasi nila dukha'y pataygutom at mangmang

nakikita ko ang mga iyon at tinutula
sino nga ba iyang dukhang laging kinakawawa?
bakit nga ba may mayaman, bakit may maralita?
mayayaman ba'y bida't dukha'y laging lumuluha?

maraming tanong na namumutiktik sa isipan
bakit ba may mga iskwater sa sariling bayan?
kaya bilang makata'y pag-aralan ang lipunan
kongkretong pagsusuri sa kongkretong kalagayan

maraming tanong na dapat kong hanapan ng sagot
habang nasa lockdown at nananalasa ang salot
mabuting kumatha sa panahong nakababagot
na pinag-aralang mabuti't di lang pulos hugot

- gregbituinjr.
05.30.2020

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Nasawi nang masabugan ng kwitis

NASAWI NANG MASABUGAN NG KWITIS sadya bang Pinoy ay walang kadala-dala kada Bagong Taon, kaytitinding paputok nasabugan, may mga daliring na...