Sabado, Mayo 2, 2020

Sa bahay muna tayo

Sa bahay muna tayo

Sa panahong nananalasa pa ang COVID-19
Ang kaligtasan ng bawat isa'y isipin natin.

Bahay daw muna tayo habang nasa kwarantina
Ang coronavirus sa mundo pa'y sumasalanta
Hatid nito'y sakit, lungkot, kamatayan at dusa
Atin ding pag-ingatang di mahawa ang pamilya
Yamang lunas dito'y di pa matagpuan ng syensya.

Manatili sa bahay ang ambag natin sa bayan
Upang di magkasakit ang pamilya't ang sinuman
Ngunit gutom ng masa'y dapat pa ring malunasan
At nang sa kanilang bahay na'y di magsilabasan.

Tahanan ang kanlungan habang may coronavirus
At dito muna tayo habang lockdown ay di tapos
Yaong bawat pamilya nawa'y di pa kinakapos
O, hanggang saan ang problemang ito'y di matalos.

- gregbituinjr.
05.02.2020

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

5-anyos, powerlifter na

5-ANYOS, POWERLIFTER NA di nga, edad lima pa lang sila powerlifter na? at dalawa pa ikaw naman ba'y mapapanganga? o di kaya'y mapapa...