patuloy akong maglilingkod bilang aktibista
bagamat pinagtuunan din ang matematika
ika nga sa chess, kombinasyon ay estratehiya
kasabihan naman sa bilyar, isa-isa muna
subalit kailangang gawin anong nararapat
lalo't nagbabalik-aral din habang nagmumulat
bakasakaling may matanaw na pag-asang sukat
at mapasakan din ang nakitang anumang lamat
prinsipyong tangan ay patuloy kong iparirinig
sa panahon man ng kapayapaan o ligalig
dapat pa ring magsulat ng mga balita't tindig
at sanaysay o tulang sa puso'y nakakaantig
bilang aktibista'y patuloy akong maglilingkod
sa uring manggagawa't masang sa hirap hilahod
tutula't tututol, sa kapital ay di luluhod
pagkat ako'y aktibista hanggang sa aking puntod
- gregbituinjr.
06.07.2020
A poet's autobiography is his poetry. Anything else is just a footnote. ~Yevgeny Yentushenko * Always be a poet, even in prose. ~Charles Baudelaire * Poetry should also contain steel and poets should know how to attack. ~Ho Chi Minh
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Tahong
TAHONG kaysarap ng tahong sa pananghalian sa kanin mang tutong ay pagkalinamnam tarang mananghali tiyan ay busugin ang bawat mong mithi ay b...

-
PITA dinggin mo ang tinig ng ating daigdig; kung pulos ligalig, wala bang pag-ibig? tingni ang alindog ng dagat at ilog; sa basura'y lub...
-
Ang tabletang tinawag na YBC 7289 natagpuan noon ang isang putik na tableta na likha noong unang panahon sa Babilonya pinaniniwal...
-
Aldyebra sa panahon ng kwarantina habang nagninilay sa panahon ng kwarantina aking binalikan ang natutunan sa aldyebra isa lang s...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento