Sabado, Setyembre 26, 2020

Nabili kong dalawang literary books sa Book Ends

Nabili ko sa Book Ends Bookshop sa Baguio City ang dalawang literary books na ito: katipunan ng mga tula ng makatang Ingles na si William Wordsworth, at ang koleksyon ng sanaysay sa kritisismo ni American-British poet na si T. S. Eliot. Imbes na P400 ang dalawang aklat ay naka-discount ako, P250 na lang. 

Ang Wordsworth Poetical Works, 780 pages, imbes na P250 ay P150 na lang. Iyon namang Selected Prose of T. S. Eliot, 320 pages, na P150 ang presyo ay P100 na lang. Naka-discount ako ng makita ng staff ng bookstore na kasama ko si misis. Kakilala kasi sila ni misis, at lagi doon si misis noon na naglulunsad ng training sa ecobrick at bokashi. Buti na lang, naka-discount sa 2 literary books ang makata.

- gregoriovbituinjr.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Nasawi nang masabugan ng kwitis

NASAWI NANG MASABUGAN NG KWITIS sadya bang Pinoy ay walang kadala-dala kada Bagong Taon, kaytitinding paputok nasabugan, may mga daliring na...