Linggo, Pebrero 7, 2021

Musika ang lagaslas ng tubig

Musika ang lagaslas ng tubig

musika ang lagaslas ng tubig
kaysarap sa taynga pag narinig
awit ng nimpa'y nauulinig
nimpang nais kulungin sa bisig

ang mga isdang naglalayungan
ay masasayang nagsasayawan
nag-uusap pag napapagmasdan
hinggil sa problema'y kalutasan

- gregoriovbituinjr.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Dalawang magkaibang aklat, iisa ang pabalat

DALAWANG MAGKAIBANG AKLAT, IISA ANG PABALAT Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Nitong Manila International Book Fair 2024, ...