Linggo, Abril 11, 2021

Kwadernong pangkalikasan 2

KWADERNONG PANGKALIKASAN 2

kalikasan ay alagaan natin
ito'y isang mahalagang tungkulin
na kung sa mundong ito'y dadanasin
ang kalamidad ay mabawasan din

tatak-pangkalikasan sa kwaderno
ay tagapagpaalala sa tao
na huwag magpapabaya sa mundo
kung di man, maging handa sa delubyo

kayrami nang nakaranas ng Ondoy,
ng Yolanda, na unos ang nagtaboy
sa atin sa tahanan, ay, kaluoy
dati'y may bahay ay naging palaboy

nagbabago't nagbabaga ang klima
sa pagharap dito'y handa ka na ba?
polusyon sa kalusugan ng masa
tubig na kaymahal, naaaksaya

paalala sa kwaderno'y kaygaling
na sa masa'y talagang nanggigising
islogan sa kwaderno'y ating dinggin
kalikasan ay alagaan natin

- gregoriovbituinjr.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Edad 6, ginahasa ng edad 8 at 10, anang ulat

EDAD 6, GINAHASA NG EDAD 8 AT 10, ANANG ULAT ano't mga bata pa'y nanggahasa pinagtripan ang kapwa nila bata sa magulang ba'y ano...