MANGGA'T SANTOL SA PANANGHALIAN
mangga, santol at bagoong ang minsan ay pang-ulam
na maganda't mayroon sa katabing tindahan lang
lalo ngayong may lockdown, walang basta makainan
buti't mayroong bungang nakabubusog din naman
ihanda ang pagkain bago sa mesa lumusob
kunin ang kutsilyong matalas, simulang magtalop
ng mangga't santol, at gayatin sa nais mong hubog
pinagbalatan ay ilagay sa lupa, pang-compost
ihalo na ang bagoong, simulan nang kumain
kaysarap pa nito sa mainit-init na kanin
paalala, buto ng santol ay huwag lunukin
mahirap na kung sa lalamunan mo'y makahirin
simpleng pagkain habang wala pang salaping sapat
upang makabili ng litsong, ah, nakabubundat
mabuti pa ang mangga't santol sa panahong salat
kaysa umasa sa ayuda't mamatay ng dilat
- gregoriovbituinjr.
08.10.2021
A poet's autobiography is his poetry. Anything else is just a footnote. ~Yevgeny Yentushenko * Always be a poet, even in prose. ~Charles Baudelaire * Poetry should also contain steel and poets should know how to attack. ~Ho Chi Minh
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Ayaw isuko ang 'Bataan'
AYAW ISUKO ANG 'BATAAN' isang metapora yaong nabasa naman pananalitang nangyari sa kasaysayan nasa pamagat ng ulat sa pahayagan: sab...

-
ANG LIBRO thirty five pesos lang ang libro sa BookSale ko nabili ito bakasakali lang matuto sa taong binabanggit dito pamagat ng libro...
-
MAHALAGA'Y NARIRITO PA TAYO mahalaga'y naririto pa tayo patuloy ang lakad kahit malayo tahakin man ay kilo-kilometro ngunit isa man ...
-
tinawag ko nang labantot ang mabahong lalabhan dahil naiwan kong nakatiwangwang sa lagayan ng labahin ang mga damit kong pinagpawisan nga...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento