Lunes, Agosto 16, 2021

Programa

PROGRAMA

sa T.V., kayraming programa, tulad ng balita
tuwing tanghali nama'y may palabas na pangmadla
mayroon ding pelikulang pangmatanda't pambata
sa radyo, may programang pag narinig ay luluha

sa mga N.G.O, may mga programa ring alam
halimbawa'y ang pagtataguyod ng child rights program
o kung paano ang kahirapan ay mapaparam
o paano tutugon sa sikmurang kumakalam

saanman, kaharap natin ang maraming programa
sa telebisyon man, radyo, o kahit sa pabrika
maayos na ginagampanan upang magkapera
maayos na ginagawa upang takbo'y gumanda

programa yaong serye ng mga palatuntunan
o kaya'y plano ng pagpapatakbo ng samahan
o kaya'y serye ng mga pag-aaral din naman
sa kompyuter man, may programa ring dapat malaman

kaya kung napapalibutan tayo ng problema
mabuting suriin ito't gumawa ng programa
anong mga salik, anong hakbang ang nakikita
tulong-tulong sa pag-aayos ang mga kasama

- gregoriovbituinjr.
08.16.2021

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Mental health problem na krimen?

MENTAL HEALTH PROBLEM NA KRIMEN? kabaliwan ang ginawa ng anak sa magulang ay, kalunos-lunos ang balita sa pahayagan talagang punong-puno ng ...