MANYAK, NADALE NG KOLEHIYALA
"Dinakma saka pinisil nang mariin ang ari ng isang 28-anyos na lalaki ng isang 19-anyos na babaeng estudyante na nakasabay nitong nakatayo sa siksikang modern jeep sa Cebu." - headline sa pahayagang Bulgar, Marso 1, 2024, na may kabuuang ulat sa pahina 2.
siksikan sa minibus o modern jeep
kapwa sila nakatayo, kaysikip
nang ari nang lalaki'y napadikit
sa babae, kaya ito'y umalis
ngunit naulit muli ang nangyari
kaya di nakatiis ang babae
at pinisil ang ari ng lalaki
kaya nagkagulo roon, ang sabi
agad silang dinala sa himpilan
ng pulis sa Barangay Inayawan
at matapos iyong imbestigahan
nagpasyang manyak ay di na kasuhan
tama lamang ang ginawa ng dilag
sa kabastusang di siya papayag
kaya mariing pinisil ang bayag
ng manyak na tila di makapalag
mabuhay ka, dangal mo'y pinagtanggol
laban sa manyak na tila ba ulol
tama lamang ang iyong naging hatol
pagkat may safe space dapat na ukol
- gregoriovbituinjr.
03.01.2024
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento