ANG MAKITA NG MAKATA
sa paligid ay kayraming paksa
samutsaring isyu, maralita,
dilag, binata, bata, matanda,
kalikasan, ulan, unos, baha
kahit mga karaniwang gawa
ng magsasaka at manggagawa
anumang makita ng makata
tiyak gagawan niya ng tula
tulad ng inibig niyang kusa
sinta, madla, tinubuang lupa
nasunugan, naapi, kawawa
tutula siyang puno ng sigla
pagkat buhay niya ang kumatha
at kakatha siyang buong laya
subalit di ang magpatirapa
sa mapang-api, tuso't kuhila
kung dapat, maghihimagsik sadya
upang hustisya'y kamtin ng madla
pluma niya'y laging nakahanda
maging ang katawan, puso't diwa
- gregoriovbituinjr.
11.30.2024
* kinatha sa ika-161 kaarawan ni Supremo Gat Andres Bonifacio
A poet's autobiography is his poetry. Anything else is just a footnote. ~Yevgeny Yentushenko * Always be a poet, even in prose. ~Charles Baudelaire * Poetry should also contain steel and poets should know how to attack. ~Ho Chi Minh
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Payò sa tulad kong Libra
PAYÒ SA TULAD KONG LIBRA di ako mahilig sa horoscope subalit mahilig ako sa pagsagot ng sudoku ngunit dahil sa dyaryo sila'y magkatabi a...
-
A WALK FOR KA LEODY, WALDEN, AND THEIR LINE UP IS A WALK FOR CLIMATE JUSTICE 4.22.2022 (Earth Day) 7am-12nn from Bonifacio Monument in Caloo...
-
PITA dinggin mo ang tinig ng ating daigdig; kung pulos ligalig, wala bang pag-ibig? tingni ang alindog ng dagat at ilog; sa basura'y lub...
-
UMALIWALAS DIN ANG PANAHON ilang araw umulan, di na makapaglimayon nasa lungga lang at lumilikha ng mithi't layon ngunit ngayon ay umali...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento