Linggo, Disyembre 15, 2024

Mga korte ng limang piso

MGA KORTE NG LIMANG PISO

dumudukot ako ng baryang pamasahe
at tatlong limang piso'y nakuha ko rine
na agad napansin kong iba-ibang korte

tatlong magkaiba ang limang pisong iyon
dalawa'y bilog, magkaibang kulay niyon
habang isa'y siyam ang gilid o nonagon

may pambili na ako ng saging na saba
pag pinambayad ko sa dyip ang tatlong barya
aba, ako'y may dalawang pisong sukli pa

iba-iba mang korte'y mahalagang sadya
sa komersyo't palitang-kalakal ng madla
pambili ninuman kahit pa ika'y dukha

nasa bagong limang piso ba'y kilala mo?
ang bayaning nakaukit sa limang piso
ay ang magiting na Gat Andres Bonifacio

- gregoriovbituinjr.
12.15.2024

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ramboletra

RAMBOLETRA may nabuo sa ramboletra mga salitang  SOURCE  at  COURSE  na S  at  C  ay nagsalitan ba nilalaro pag nag-iisa sa nilatag na mga t...