Sabado, Marso 1, 2025

Ang mensahe sa plakard

ANG MENSAHE SA PLAKARD

nakunan ko'y isang mahalagang mensahe
sa anibersaryo ng pag-aalsang Edsa
"Marcos-Duterte Panagutin!" yaong sabi
at "Baguhin ang sistema, hindi ang klima!"

sa nakasaad sa plakard ako'y sang-ayon
na ginawang gatasan ang kaban ng bayan
pinakamasahol na badyet ngayong taon
higit sangmilyon sang-araw ang ginastusan

di mapigil ng dinastiyang pulitikal
ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin
tinig ng taumbayan na'y gumagaralgal
nais nilang sistemang bulok na'y putulin

tatlong bente pesos na ang kilo ng bigas
mabuti't UniThieves na'y nagkawatak-watak
dapat mahalal na pinuno'y yaong patas
upang taumbaya'y di gumapang sa lusak

- gregoriovbituinjr.
03.01.2025

* litratong kuha ng makatang gala noong 02.25.2025 sa Edsa Shrine kasabay ng ika-39 anibersaryo ng Unang Pag-aalsang Edsa

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Payò sa tulad kong Libra

PAYÒ SA TULAD KONG LIBRA di ako mahilig sa horoscope subalit mahilig ako sa pagsagot ng sudoku ngunit dahil sa dyaryo sila'y magkatabi a...