Miyerkules, Agosto 27, 2025

BOTO at BOGO

BOTO at BOGO

noon ay Buy One Take One
na ang daglat ay BOTO
kaya naging biruan
nabibili ang Boto

ngunit mayroong bago
ang Buy One Get One ngayon
na daglat nama'y BOGO
eh, ano naman iyon

wala nang atubili
ang nasa patalastas
ang BOTOng nabibili
ay BOGO nang nilabas

magagaling mag-isip
may bagong nalilikha
bayan ba'y sinasagip
sa masasamang gawa

para-paraan lang din
ang mga negosyante
kapitalismo pa rin
upang sila'y mabili

- gregoriovbituinjr.
08.27.2025

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Nag-iisang tulâ

pinasa sa Liwayway magazine ‎ang iisang tulang nakatha rin ‎‎sana tula'y ilathala nila kung pasok ‎sa kanilang panlasa ‎bagamat ako'...