Martes, Agosto 26, 2025

Salabat at pandesal

SALABAT AT PANDESAL

salabat at pandesal
sa umagang kayganda
kaysarap na almusal
at nakabubusog pa

kay-aga kong nagmulat
at nagtungong bakery
nag-init ng salabat
pandesal ay binili

ako lang ang kumain
mag-isang nag-agahan
mamaya'y susulatin
ko'y santula na naman

salamat sa salabat
pampaganda ng tinig
sa pandesal, salamat
pampagana ng tindig

- gregoriovbituinjr.
08.26.2025

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ako man ay makatang wala sa akademya

AKO MAN AY MAKATANG WALA SA AKADEMYA Ako'y isang makatang / wala sa akademya. Kaya nakatutuwang / kapwa ko'y makasama sa pagkatha ng...