Martes, Oktubre 7, 2025

Sino bang modelo sa katha kong tulâ?

SINO BANG MODELO SA KATHA KONG TULA?

sino bang modelo sa katha kong tulâ?
gayong pwede rin namang talagang walâ
minsan, pakikiusapan mo ang madlâ
kung pwede ba silang litratuhang sadyâ

madalas din namang bantulot ang masa
sa rali, malilitratuhan talaga
pag ayaw makuhanan, bakit nandyan ka?
lalo't maraming kamera at masmidya

pag may kinunang may plakard, aba'y gusto
pag ayaw, makata na lang ang modelo
na sa pagtula mismo'y nakalitrato
kaysa maghanap pa ng kung sino-sino

pagkat di na pipilitin ang sarili
"hoy, ikaw muna'y maging modelo rini"
sa litkuran o background na sinasabi
upang agad maparating ang mensahe

walang magawa kundi makata na lang
upang yaring tula ay may katibayan
na pag binasa, totoo pala naman
yaong sa tula'y isinasalarawan

- gregoriovbituinjr.
10.07.2025

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Sino bang modelo sa katha kong tulâ?

SINO BANG MODELO SA KATHA KONG TULA? sino bang modelo sa katha kong tulâ? gayong pwede rin namang talagang walâ minsan, pakikiusapan mo ang ...