Linggo, Nobyembre 2, 2025

Sabaw ng talbos ng kamote't okra

SABAW NG TALBOS NG KAMOTE'T OKRA

pinainit na ang tiyan nitong umaga
ininom ang mainit na sabaw ng okra
at talbos ng kamote, na di man malasa
ay tiyak na ito'y pampalakas talaga

nagising kasi kaninang madaling araw
sa labas ng bahay ay may nakitang ilaw
nagsindi palang kandila ang kapitbahay
na hanggang sa ngayon ako pa'y nagninilay

di pa makatulog gayong nais umidlip
mamaya, pagod kong mga mata'y pipikit
ipapahinga ang katawan, puso't isip
upang mga tula sa diwa'y iuukit

kailangang laging malusog ang katawan
laging isipin ang lagay ng kalusugan
kaya talbos ng kamote't okra'y mainam
na ulam pati sabaw nitong pang-agahan

- gregoriovbituinjr.
11.02.2025

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Paglaban sa kurakot

PAGLABAN SA KURAKOT ano pang dapat gawin kundi ang kumilos laban sa kaapihan at pambubusabos laban sa sanhi kayĆ¢ bayan ay hikahos  laban sa ...