SI BULAKNA
black belter umano sa arnis si Bulakna,
isang babaylan, mandirigmâ, makatâ pa,
at kay Lapulapu ay butihing asawa,
babae, pinunô, ating bigyang halaga
nakita sa eksibit ni Kidlat Tahimik
nang mata ko'y imulat, di na maipikit
si Bulakna pala sa arnis ay kaylupit
pangalan niya sa kasaysayan igiit
dapat pa tayong magsaliksik ng ganito
dapat pa nating saliksikin ang ganito
tagong kasaysaya'y halungkating totoo
ngala'y idagdag sa bayaning Pilipino
O, Bulakna, pangalan mo'y isinadiwà
sa Mactan ay isa kang bayaning dakilà
kaylaki ng papel ng babae sa bansâ
"Bayani ng Arnis", itatawag kong sadyâ
- gregoriovbituinjr.
03.19.2026
* mga litrato kuha ng makatâ noong Marso 15, 2026 sa MET
A poet's autobiography is his poetry. Anything else is just a footnote. ~Yevgeny Yentushenko * Always be a poet, even in prose. ~Charles Baudelaire * Poetry should also contain steel and poets should know how to attack. ~Ho Chi Minh
Huwebes, Marso 19, 2026
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Sa ika-16 na death monthsary ni misis
SA IKA-16 NA DEATH MONTHSARY NI MISIS Lagi kitang nasa alaala, O, aking sinta't tanging asawa! Itinutula ko'y pagmamahal. Tila ba ...
-
SAMPUNG ARAW NA NOTICE BAGO IDEMOLIS O, maralitang kaytagal nang nagtitiis sa iskwater na lagi nang naghihinagpis payag ka bang sampung araw...
-
ARAW NG KARAPATAN NG MANUNULAT (WRITER'S RIGHTS DAY) dalawampu't siyam na taon nang nakararaan nang Writers' Rights Day sa Ame...
-
A WALK FOR KA LEODY, WALDEN, AND THEIR LINE UP IS A WALK FOR CLIMATE JUSTICE 4.22.2022 (Earth Day) 7am-12nn from Bonifacio Monument in Caloo...



Walang komento:
Mag-post ng isang Komento